Wednesday, February 16, 2011

Si Percy Jackson at Ang Lightning Bolt

Si Percy Jackson at ang Lightning Bolt
           

Ang pelikulang  ito'y tungkol sa isang makapangyarihang lightning bolt na pag-aari ni Zeus, Diyos ng lahat ng mga Diyos, na pinaniniwalaang ninakaw ni Percy Jackson, anak ni Poseidon na Diyos ng Karagatan.Si Hades ay  Diyos ng Mundong Ilalim na naghahangad na makuha ang lightning bolt dahil sa taglay nitong kapangyarihan. Sinabi niya na kung hindi maibabalik ni Percy ang lightning bolt sa loob ng labing apat na araw ay magdedeklara siya ng digmaan sa pagitan niya at ng kanyang kapatid na si Poseidon.

              Si Percy Jackson ay isang lalaking naninirahan sa New York City. Inakala niyang siya'y may dyslexia. Akala niya'y ito ang dahilan ng kakayahan niyang bumasa o umunawa ng mga salitang nasa wikang Griyego. Isang araw, habang siya'y mayroong klase sa pinapasukan niyang unibersidad, tinanong siya ng guro nilang si Bb. Dotts kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang sinabi ni William Shakespeare na nakasulat sa wikang Griyego. Nagawa niyang basahin iyon ngunit sinabi niya na hindi niya alam sa takot na mabunyag ang sakit niya. 
                 Isang araw, habang naglilibot sila sa isang museo, pumasok siya sa isang silid. Dito ay nakita niya si Bb. Dotts na naging isang halimaw. Inatake siya nito at sinabi sa kanya na dapat na niyang ibalik ang ligthning bolt. Buti na lamang at dumating sina Grover at G. Brunner. Si Grover ay tumatayong matalik na kaibigan at protektor ni Percy. Dahil dito sa pangyayaring ito, inutusan na ni G. Brunner si Grover na dalhin na si Percy sa kung saan matitiyak ang kaligtasan nito. Ibinigay niya kay Percy ang isang "pen" na magagamit niya bilang pangdepensa sa kalaban. Pero, bago sila umalis ay dinaanan muna nila ang ina ni Percy na si Sally sa bahay ng bago niyang asawa na si Gabe.
          Bago pa man sila makarating sa kanilang patutunguhan, may bumagsak na isang baka sa harap ng kanilang daraanan kaya tumaob ang kotseng sinasakyan nila. Nakita na lamang nila na napapalibutan na sila ng maraming baka na pasugod sa kanila. Dahil dito, hinubad ni Grover ang pantalon niya upang subukang ipagtanggol ang mag-ina. Ipinagtapat niya kay Percy na siya'y isang kalahating tao't kalahaying kambing. Ngunit isa sa mga baka ay naging isang minotaur. Kinuha nito si Sally at dinala sa Underworld. Walang ibang nagawa sina Percy kundi ang dumiretso sa Camp Half Blood, ang lugar na tinutukoy kanina ni G. Brunner na ligtas na lugar para kay Percy. Ang Camp Half Blood ay isang lugar para sa mga Demigod, ang mga nilalang na kalahating Diyos at kalahating tao. 
Si Annabeth kasama ang  Red Soldie
          Sa paglilibot ni Percy dito ay nakasama niya sina Grover at Chiron, isang centaur o nilalang na kalahating tao't kalahating kabayo. Si Chiron ay kilala bilang G. Brunner sa mundo ng mga ordinaryong tao. Sa paglilibot nila'y nakilala ni Percy ang maganda't magiting na mandirigmang si Annabeth, anak ng Diyos ng Karunungan na si Athena.
         Nagsimula na siyang mag-ensayo kasama ang mga 'blue soldiers' sa pamumuno ni Luke, anak ng mensahero ng mga Diyos na si Eurnice. Dahil sa pag-eensayong ito, nadiskubre niya ang taglay niyang kapangyarihan nang siya'y masugatan habang nakikipaglaban kay Annabeth na kabilang sa mga 'red soldiers'. Napapagaling pala ng tubig ang bawat sugat na matatamo niya kaya nagawa niyang talunin ang mga 'red soldiers'.
        Habang nakikipag-usap siya kay Annabeth sa gitna ng selebrasyon sa kampo, bigla na lamang lumitaw si Hades at hinahanap si Percy. Ipinakita nito ang si Sally at sinabing mamamatay daw ito kapag  hindi ibinalik ni Percy ang inaasam-asam niyang lightning bolt.
         Dahil dito, nagpasya si Luke na tulungan si Percy na bawiin ang ina nito mula kay Hades. Itinuro niya ang paraan para mabawi ang ina. Ibinigay niya ang mapa kay Percy na mapagtuturo kung saan nila matatagpuan  ang mga perlas na kailangan nila upang makapasok sa Underworld. Binigyan din niya si Percy ng isang sapatos na lumilipad na magagamit niya sa oras ng pangangailangan.
MEDUSA
              Kasama sina Grover at Annabeth, unang tinungo nina Percy ang Aunti Em’s Garden na matatagpuan sa kontinente ng Amerika. Ang Aunti Em’s  Garden pala ang lugar na pinamamalagian ni Medusa, ang babaeng ahas.Mapapansin na maraming batong estatwa  ng mga tao ditto dahil ang mga taong tumitingin sa mga mata ni Medusa ay nagiging isang bato. Kaya habang nakikipaglaban  sa kanya sina Percy ay nakapikit ang mga ito upang hind imaging isang bato.  Nagawa naman ni Percy na pugutin ang ulo nito at pagkatapos ay kinuha na nito ang unang perlas sa may kamay ni Medusa. Hindi nila maaaring iwan ang ulo nito sapagkat kahit patay na ito ay nagagawa pa rin niyang mambiktima ng maraming tao kaya dinala nila ito sa paglalakbay.
              Ang sunod na pinuntahan nila ay ang Parthenon. Nakita nila ang ikalawang perlas na nasa noon ng mataas na estatwa ni Athena na ina ni Annabeth. Sa pagkakataong ito’y nagamit na ni Percy ang lumilipad na sapatos na ibinigay ni Luke sa kanya. Nagawa naman niyang kuhanin ang perlas. Ngunit may dumating na sugo si Hades. Ang mga taong ipinadala nito’y naging mga ahas. Mahirap silang kalabanin dahil kapag pinutol mo ang ulo nito, lalo pa itong dumarami. Dahil sa pakikipaglabang ito ni Percy, tumalsik ang perlas na hawak niya. Buti na lamang at gumana ang kapangyarihan niya. Nagawa niyang palabasin ang tubig mula sa isang tubo. Kinuha niya ang perlas at dali-daling lumabas sa silid na iyon bago pa man siya abutan ng tubig. Paalis n asana silang tatlo ngunit may humarang na naman na kalaban. Hindi nila malaman ang gagawin nila kaya inilabas na lamang na Grover ang ulo ni Medusa na bigla na lamang dumilat ang mga mata kaya naging bato ang mga kalaban nila.
Tumungo na sila sa huling lugar kung saan matatagpuan ang huling perlas, sa Las Vegas, Nevada. Matatagpuan ang perlas sa isang hotel sa lugar na ito. Dumiretso sila sa isang kasino. Nakita nila ang perlas na ginagamit ng mga tao sa isang sugal sa kasino. Lumapit ang isang babaeng tauhan at paulit-ulit silang binibigyan ng isang pagkain na hugis bulaklak. Ang pagkain pa lang ito ang ginagamit nila bilang pang hipnotismo sa mga taong pumupunta dito. Nalibang nga ang tatlo at nakalimutan na ang misyon na dapat gampanan nila. Ngunit tila nagtataka si Percy sa kawirdohan ng mga taong nakakausap niya doon. Bigla na lamang niyng naalala na misyon nga pala sila sa pagpunta ditto. Dali-dali niyang hinanap ang dalawang kasama at sinabing kalian na nilang makuha ang huling perlas. Kinuha na niya ang huling perlas at umalis na sila doon gamit ang kotseng kinuha nila mula sa kasino.
Ayon sa mapa, nasa Hollywood ang lagusan patungo sa Underwold kaya nagpunta agad sila dito. Mayroon silang nakitang mga katagang nakasulat sa bandang ibaba ng letrang “H”. Nabasa ito ni Percy kaya bumukas ang isang bahagi ng lupa sa tabi nito. Pinasok nila ito. Sa pagpasok nila dito ay nakita nila si Hades na kasama ang asawa nitong si Stephanie. Sa pakikipaglaban niya kay Hades ay nalaglag ang kalasag niya at doon ay nakita nila ang lightning bolt. Kinuha ni Hades ang lightning bolt na humahalakhak sa tuwa. Ngunit trinaydor siya  ni Stephanie. Binawi nito ang lightning bolt at ibinalik muli kina Percy. Sinabi ni Stephanie na kalian lamang nilang tapakan ang  perlas para makalabas dito. Ngunit tatlo lamang ang perlas kaya tatlo lamang ang maaaring lumabas. Kailangang mayroong isang maiwan dahil apat sila. Nagpasya si Grover na siya na lamang ang magpapaiwan.
Hindi nila inaasahan na sa paglabas nila ay nag-aabang si Luke. Si Luke pala talaga ang tunay na lightning thief. Nagpanggap lang pala itong mabait noong una kay Percy para makuha ang tiwala nito. Naglaban silang dalawa. Ginamit ni Percy ang sapatos na lumilipad ngunit naghagis si Luke ng isang matalas na bagay para maputol ang pakpak nito. Buti na lamang at may nakita si Percy na tangke ng tubig at pinalabas niya ang tubig nito. Nabawi niya ang lightning bolt kay Luke at sabay alis na silang tatlo sa lugar na iyon.
Nagmamadali silang pumunta sa teritoryo ni Zeus dahil ilang oras na lamang at mauubos na ang ibinigay na palugit ni Hades. Ibinalik niya ang lightning bolt kay Zeus at hiniling na ibalik sa kanila si Grover na nasa Underworld.
Bumalik na sila sa Camp Half Blood ngunit nagpaiwan ang kanyang ina at sinabing sa lugar na iyon nabibilang si Percy. Tumuloy na siya sa kampo at doon ay nakita niya si Grover. Tila nagbalik muli sa umpisa ang mga pangyayari. Nakita niya si Annabeth na nag-eensayo. Nilapitan niya ito na tila nagpapaghiwatig na may matinding paghanga siya sa babae.
Dito na nagtatapos ang kwento ng pakikipagsapalaran ni Percy Jackson. Sana’y may natutunan tayong mabuting aral sa pelikulang ito. Tandaan natin na hindi dapat tayo agad nanghuhusga o nagbibintang ng isang tao lalo’t kung hindi tayo nakasisiguro na siya ang may sala. Tandaan din natin na dapat tayong maging matapang sa pagharap  ng bawat suliranin sa ating buhay. Sana’y gawin natingb isang mabuting ehemplo si Percy Jackson.

No comments:

Post a Comment