Ako ay isinilang noong Marso 15,1995 sa Brgy.Del remedio , San Pablo City Laguna.Ako ay bunso at nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid.Aang aking mga magulang ay sina Reynaldo Cuevas at Venilda Cuevas.Sabi nila,kulot at may kaitiman daw ako noong ako'y ipanganak.Kung sa bagay , kitang kita naman sa larawan ko sa kaliwa.
Noong ako ay talong taong gulang pa lamang,lagi akong masaya kapag kasama ko ang aking pamilya.Lagi kaming naglalaro ng dalawa kong kapatid na sina Joseph Christian at John Reyneil.Kahit nag-iisa akong babae,masaya parin dahil tila mahal na mahal ako ng dalawa kong kuya.Kapag naman araw ng linggo,sama-sama kaming buong pamilya na sumisimba.Pagkatapos naming magsimba ay ibinibili ako ng laruan ng papa ko.
Ako ay limang taong gulang nang ako ay unang tumuntong sa paaralan bilang kinder garten.Ang pangalan ng paaralang ito ay Del Remedio Central School.Palagi akong hinahatid at sinusundo ng mama ko at kapag medyo natatagalan na ako sa paghihintaysa kanya ay umiiyak na akosa pag-aakalang niya ako susunduin.Pero noong ako'y nasa unang baitang na ,nasanay akong hindi na sinanahatid ay sinusundo ni mama.Kasabay ko si kuya kuya John Reyneil noong nasa ikalawang baitang na ako at si kuya Joseph na nasa ikaapat na baitangna. Napakasaya talagang maging isang bataPalagi kaming naglalaro ng mga kaibigan kong sina Rojean,at Rose Ann at marami pang iba sa playground ng paaralan namin.Ngunit pag nasa silid-aralan kami,tahimik kaming nakikinig sa itinuturo ng guro namin.Kaya naman noong malapit nang magtapos ang taong paaralan,sinabi ng guro namin na napakabait na si Mrs.Rita T.Belen kay mama na nakamit ko bilang gawad noong recognition day kaya masayang masaya ang mama ko.
Noong ako'y nasa ikalawang baitang na , kasama parin ako sa listahan ng mga "honor students" kaya proud na proud sakin si mama at papa . Bukod dito, binigyan din ako ng aking guro ng isang regalo dahil ao daw ang pinakamabait sa buong klase.
Noon namang ako'y nasa ikatlong baitang na, hindi ako napasama sa mga honor students dahil narin siguro mababang magbigay ng grade ang aming guro.Sa totoo nga , aanim ang kasama sa honor students noon.Pero tila ba wala akong pakialam dahil nga siguro bata pa ako.
Ngunit simula ng ako'y tumuntong sa ikaapat na baitang ay mas lalo akong nagsikap sa pag-aaral.Kaya simula noon hanggang ngayon ako'y tumuntong sa ikaanim na baitang ay "consistent honor student " ako.
Itinuturing ko naman na pinakamasaya at pinakamalungkot din nag araw ng graduation namin.Nasabi kong pinakamasaya dahil sa wakas ay makaka-graduate na ako at isa pa,ikaapat ako sa pinakamagagaling na estudyante.Hindi ko inaasahan yon dahil mababang pwesto ang inaasahan ko.Nasabi ko namang pinakamalungkot din dahil magkakahiwa-hiwalay na kami ng aming mga kaibigan at mamimiss ko sila lalong lalo na ang pinakamatalik kong kaibigan na si Marjorie Beruela.Pero nangako kami sa isa't isa na kahit magiging isang high school student na kami ay walang magbabago.
Nakakaugalian na ng pamilya namin na tuwing bakasyon ay mag-swimming dahil na rin sa kaarawan ng papa ko.Napagkasunduan na dagat naman ang puntahan namin at napili ng papa ko ang beach ng Calaca,Batangas kami mag-swimming.Abril 23 2008, pagdating namin doon ay naligo agad ako dahil sa labis na kasabikan.Sobrang init ng araw na iyon kaya ng sakit-sakit sa balat pero hindi ko parin inalintana iyon .Makalipas ang ilang araw pagkatapos naming mag-swimming ,napansin kong may tumutubong mga bokol na tila may tubig sa likuran ko.Habang lumilipas ang ang araw ay lalo itong dumadami kay sinabi ng tiyuhin ko sa mama ko na patingnan s isang magaling na albularyo
Ilang araw pagkatapos naming mag-swimming,napansin kong may tumutubong bukol na tila may tubig sa loob sa may likuran ko.Habang lumilipas ang araw ay lalo itong dumadami kaya sinabi ng tiyuhin ko sa mama ko na patingnan daw ako sa isang magaling na albularyo sa lugar nila sa San Crispin . May ipinahid na langis sa ang albularyo sa likuran ko at binigyan nya rin si mama ng langis na iyon upang ipahid sa likod ko hanggang sa gumaling daw ito. Napansin ko nga na epektibo ang ipinahid na langis dahil unti-unting nawala ang mga bukol na may tubig sa likod ko.
Ngunit wala pa halos isang buwan mula sa paggaling ko ay nagkaroon na naman ako ng bagong sakit .Isang hapon noon buwan ng mayo ,matapos kong kumain ng “kwek-kwek”na tinda sa may bayan ay sumama ang pakiramdam ko.Napansin na lamang ni mama na mainit ako at nilalagnat .Pagdating naming sa bahay ay nagsuka ako nang nagsuka.Hindi lamang iyon,dumanas din ako ng ‘diarrhea’noon na halos tubig na ang lumalabas mula sakin kaya nagpasya ang mga magulang ko na ipa-check up ako dahil baka ma-dehydrate na daw ako.Napag alaman naman na may amoebiasis pala akokaya nirekumendahan ako ng maraming-maraming gamot na dapat kong inumin.Ito ang dahilan kung bakit ako absent noong unang araw ng pasukan.Pumunta si mama sa dizon high para sabihin sa mga magiging teacher ko na may sakit ako kaya hindi makakapasok.Ngunit sinabi daw sa kanya ni Sir Sinen na kailangan ko pa daw pumunta sa school dahil mag-eexam daw kami para tingnan kung pwedeng pumasok sa “science curriculum”.Sa seksyon “a”kasi ako nilagay ni Mrs.Hilario na tumayo bilang “backer’ ko para makapasok doon.
Kinabukasan naman pumunta ulit si mama sa school upang alamin ang resulta ng pagsusulit at sinabi naman ni Mr.Mission na pasado daw ako kay isa na akong science student.Napakasaya ko nang ibalita iyon sakin na mama.
Hindi nawala ang kaba ko sa sarili sa pagpasok ko dahil siguro natatakot ako.Bago na naman ang mga kaklase ko at isa pa matatalino ang mga kasabayan ko.Pero di ako nagpatalo sa kaba ko kaya unang araw ko palang ay meron na agad akong kaibigan, si “Lieva”.Naging masaya naman ang mga lumipas na araw
Hindi ko akalain noon na magiging honor ulit ako sa pagtungtong ko sa high school.Mali pala ang akala ko noong unang araw na tumuntong ako sa school na ito.Nagiging mababa pala ang tingin ko sa sarili ko.Ako ay top “9” sa klase naming sa unang markahan.Ito ang dahilan kung bakit lalo akong nagsikap.Kaya noong ikalawang markahan,ay nakamit ko ang ikalawang pwesto.
Simula noon, ay nasanay na ako sa pagiging isang high school student.Pero kahit high school na ako ay parang bata parin kami ng mga kaibigan ko dahil palagi kaming naglalaro
Noon naming nasa ikalawang antas na ako ay mas lalo akong sumaya.Palagi kaming masayang magkakaibigan kahit paminsan-minsan ay hindi naiiwasan ang pagtatampuhan.Naranasan ko rin noong matanggal sa top “10”. Pero hindi ko ito ginawang dahilan para tamarin ako sa pag-aaral sa halip lalo akong nagsikap at bumawi ako kaya nagawa ko na makapasok muli sa “top 10 students”
Dumating na ang buwan ng hunyo 2010 isa na akong 3rd year student- sabi nila,ito raw ang pinakamasaya at pinaka di makakalimutan parte ng pagiging high school. Para sa akin,tama sila dahil napatunayan ko na mas lalong tumibay ang samahan naming magkakaibigan hanggang sa mabuo ang grupong tinaguriang “gruppong artista” w/ friends na kinabibilangan na original na miyembro na sina lieva cataag,denise dealino,jade flores,shirlyn fruelda,at si siyempre ako at ang mga kaibigan namingna sina shelo,alejanndra,recy,Camille at marami pang iba.
Noong mga nakalipas ding buwan naramdaman na naming ang mabigat na obligasyong nakaatang sa amin bilang isang “3-science”. Ang daming namin laing takdang aralin at mga proyektong na dapat naming tapusin pero ayos lang iyon dahil alam naming responsibilidad talaga naming yon bilang “science student”sa kabila ng napakaraming gawain ay di namin nakakalimutan magsaya. Kapag may bakanteng oras kami sa hapon ay naglalaro kami ng “paltok bola”. Sumali rin kaming lahat maliban na lamang sa tatlong kaklase naming iglesia,sa pinaka”memeorable part” ng pagiging isang high school ang JS Prom. Ginanap itong noong pebrero 2 sa gymnasium ng san Pablo central school sa temang Hawaiian. Napakasaya naming noon masaya dahil nagkaroon kami ng pagkakataong makasayaw ang aming mga hinihangaan.