Sunday, February 27, 2011

Princess Sarah:Ang talambuhay ni Sarah Ame Cuevas



Ako ay isinilang noong Marso 15,1995 sa Brgy.Del remedio  , San Pablo City Laguna.Ako ay bunso at nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid.Aang aking mga magulang ay sina Reynaldo Cuevas at Venilda Cuevas.Sabi nila,kulot at may kaitiman daw ako noong ako'y ipanganak.Kung sa bagay , kitang kita naman sa larawan ko sa kaliwa. 




Noong ako ay talong taong gulang  pa lamang,lagi akong masaya kapag kasama ko ang aking pamilya.Lagi kaming naglalaro ng dalawa kong kapatid na sina Joseph Christian at John Reyneil.Kahit nag-iisa akong babae,masaya parin dahil tila mahal na mahal ako ng dalawa  kong kuya.Kapag naman araw ng linggo,sama-sama kaming buong pamilya na sumisimba.Pagkatapos naming magsimba ay ibinibili ako ng laruan ng papa ko.

Ako ay limang taong gulang nang ako ay unang tumuntong sa paaralan bilang kinder garten.Ang pangalan ng paaralang ito ay Del Remedio Central School.Palagi akong hinahatid at sinusundo ng mama ko at kapag medyo natatagalan na ako sa paghihintaysa kanya ay umiiyak na akosa pag-aakalang niya ako susunduin.Pero noong ako'y nasa unang baitang na ,nasanay akong hindi na sinanahatid ay sinusundo ni mama.Kasabay ko si  kuya kuya John Reyneil noong nasa ikalawang baitang na ako at si kuya Joseph na nasa ikaapat na baitangna. Napakasaya talagang maging isang bataPalagi kaming naglalaro ng mga kaibigan kong sina Rojean,at Rose Ann at marami pang iba sa playground ng paaralan namin.Ngunit pag nasa silid-aralan kami,tahimik kaming nakikinig sa  itinuturo ng guro namin.Kaya naman noong malapit nang magtapos ang taong paaralan,sinabi ng guro namin na napakabait na si Mrs.Rita T.Belen kay mama na nakamit ko bilang gawad noong recognition day kaya masayang masaya ang mama ko.

Noong ako'y nasa ikalawang baitang na , kasama parin ako sa listahan ng mga "honor students" kaya proud na proud sakin si mama at papa . Bukod dito, binigyan din ako ng aking guro ng isang regalo dahil ao daw ang pinakamabait sa buong klase.

Noon namang ako'y nasa ikatlong baitang na, hindi ako napasama sa mga honor students dahil narin siguro mababang magbigay ng grade ang aming guro.Sa totoo nga , aanim ang kasama sa honor students noon.Pero tila ba wala akong pakialam dahil nga siguro bata pa ako.

Ngunit simula ng ako'y tumuntong sa ikaapat na baitang ay mas lalo akong nagsikap sa pag-aaral.Kaya simula noon hanggang ngayon ako'y tumuntong sa ikaanim na baitang ay "consistent honor student " ako.

Itinuturing ko naman na pinakamasaya at pinakamalungkot din nag araw ng graduation namin.Nasabi kong pinakamasaya dahil sa wakas ay makaka-graduate na ako at isa pa,ikaapat ako sa pinakamagagaling na estudyante.Hindi ko inaasahan yon dahil mababang pwesto ang inaasahan ko.Nasabi ko namang pinakamalungkot din dahil magkakahiwa-hiwalay na kami ng aming mga kaibigan at mamimiss ko sila lalong lalo na ang pinakamatalik kong kaibigan na si Marjorie Beruela.Pero nangako kami sa isa't isa na kahit magiging isang high school student na kami ay walang magbabago.

Nakakaugalian na ng pamilya namin na tuwing bakasyon ay mag-swimming dahil na rin sa kaarawan ng papa ko.Napagkasunduan na dagat naman ang puntahan namin at napili ng papa ko ang beach ng Calaca,Batangas kami mag-swimming.Abril 23 2008, pagdating namin doon ay naligo agad ako dahil sa labis na kasabikan.Sobrang init ng araw na iyon kaya ng sakit-sakit sa balat pero hindi ko parin inalintana iyon .Makalipas ang ilang araw pagkatapos naming mag-swimming ,napansin kong may tumutubong mga bokol na tila may tubig sa likuran ko.Habang lumilipas ang ang araw  ay lalo itong dumadami kay sinabi ng tiyuhin ko sa mama ko na patingnan s isang magaling na albularyo





Ilang araw pagkatapos naming mag-swimming,napansin kong may tumutubong bukol na tila may tubig sa loob sa may likuran ko.Habang lumilipas ang araw ay lalo itong dumadami kaya sinabi ng tiyuhin ko sa mama ko na patingnan daw ako sa isang magaling na albularyo sa lugar nila sa San Crispin . May ipinahid na langis sa ang albularyo sa likuran ko at binigyan nya rin si mama ng langis na iyon upang ipahid sa likod ko hanggang sa gumaling daw ito. Napansin ko nga na epektibo ang ipinahid na langis dahil unti-unting nawala ang mga  bukol  na may tubig sa likod ko.

Ngunit wala pa halos isang buwan mula sa paggaling ko ay nagkaroon na naman ako ng bagong sakit .Isang hapon noon buwan ng mayo ,matapos kong kumain ng “kwek-kwek”na tinda sa may bayan ay sumama ang pakiramdam ko.Napansin na lamang ni mama na mainit ako at nilalagnat .Pagdating naming sa bahay ay nagsuka ako nang nagsuka.Hindi lamang iyon,dumanas din ako ng ‘diarrhea’noon na halos tubig na ang lumalabas mula sakin kaya nagpasya ang mga magulang ko na ipa-check up ako dahil baka ma-dehydrate na daw ako.Napag alaman naman na may amoebiasis pala akokaya nirekumendahan ako ng maraming-maraming gamot na dapat kong inumin.Ito ang dahilan kung bakit ako absent noong unang araw ng pasukan.Pumunta si mama sa dizon high para sabihin sa mga magiging  teacher ko na may sakit ako kaya hindi makakapasok.Ngunit sinabi daw sa kanya ni Sir Sinen na kailangan ko pa daw pumunta sa school dahil mag-eexam daw kami para tingnan  kung pwedeng pumasok sa “science curriculum”.Sa seksyon “a”kasi ako nilagay ni Mrs.Hilario na tumayo bilang “backer’ ko para makapasok doon.

Kinabukasan naman pumunta ulit si mama sa school upang alamin ang resulta ng pagsusulit at sinabi naman ni Mr.Mission na pasado daw ako kay isa na akong science student.Napakasaya ko nang ibalita iyon sakin na mama.

Hindi nawala ang kaba ko sa sarili sa pagpasok ko dahil siguro natatakot ako.Bago na naman ang mga kaklase ko at isa pa matatalino ang mga kasabayan ko.Pero di ako nagpatalo sa kaba ko kaya unang araw ko palang ay meron na agad akong kaibigan, si “Lieva”.Naging masaya naman ang mga lumipas na araw

Hindi ko akalain noon na magiging honor ulit ako sa pagtungtong ko sa high school.Mali pala ang akala ko noong unang araw na tumuntong ako sa school na ito.Nagiging mababa pala ang tingin ko sa sarili ko.Ako ay top “9” sa klase naming sa unang markahan.Ito ang dahilan kung bakit lalo akong nagsikap.Kaya noong ikalawang markahan,ay nakamit ko ang ikalawang pwesto.

Simula noon, ay nasanay na ako sa pagiging isang high school student.Pero kahit high school na ako ay parang bata parin kami ng mga kaibigan ko dahil palagi kaming naglalaro

Noon naming nasa ikalawang antas na ako ay mas lalo akong sumaya.Palagi kaming masayang magkakaibigan kahit paminsan-minsan ay hindi naiiwasan ang pagtatampuhan.Naranasan ko rin noong matanggal sa top “10”. Pero hindi ko ito ginawang dahilan para tamarin ako sa pag-aaral sa halip lalo akong nagsikap at bumawi ako kaya nagawa ko na makapasok muli sa “top 10 students”


Dumating na ang buwan ng hunyo 2010 isa na akong 3rd year student- sabi nila,ito raw ang pinakamasaya at pinaka di makakalimutan parte ng pagiging high school. Para sa akin,tama sila dahil napatunayan ko na mas lalong tumibay ang samahan naming magkakaibigan hanggang sa mabuo ang grupong tinaguriang “gruppong artista” w/ friends na kinabibilangan na original na miyembro na sina lieva cataag,denise dealino,jade flores,shirlyn fruelda,at si siyempre ako at ang mga kaibigan namingna sina shelo,alejanndra,recy,Camille at marami pang iba.

Noong mga nakalipas ding buwan naramdaman na naming ang mabigat na obligasyong nakaatang sa amin bilang isang “3-science”. Ang daming namin laing takdang aralin at mga proyektong na dapat naming tapusin pero ayos lang iyon dahil alam naming responsibilidad talaga naming yon bilang “science student”sa kabila ng napakaraming gawain ay di namin nakakalimutan magsaya. Kapag may bakanteng oras kami sa hapon ay naglalaro kami ng “paltok bola”. Sumali rin kaming lahat maliban na lamang sa tatlong kaklase naming iglesia,sa pinaka”memeorable part” ng pagiging  isang high school ang JS Prom. Ginanap itong noong pebrero 2 sa gymnasium ng san Pablo central school  sa temang Hawaiian. Napakasaya naming noon masaya dahil  nagkaroon kami ng pagkakataong makasayaw ang aming mga hinihangaan.

Hanggang dito na lang muna dahil magpapatuloy pa ang takbo ng buhay at inaasahang kong magiging mas masaya pa ang mga darating na panaho. Ipinapangako ko namang mas lalo pa akong magsisikap sa buhay upang makamit ang mga pangarap ko sa aking sarili at pamilya.

























Thursday, February 17, 2011

My Blog’s Name History



Sahara Desert
SAhaRA's Silence, this is the name I have chosen for my blog. The reason why I have chosen this name maybe a common reason to some people, for they knew what my personality is. I have chosen this name base on my characteristics, personality, and attitude seen by others for the past time of my life up to the present time.
           
 I have written SAhaRA for the first word of my blog's name. I got this from my first name Sarah. Sahara was the first word came out of my mind when I was thinking. In fact, sahara was one of my favorite word since I was a sixth grader because whenever I hear that word, it seems to be that I hear my name. Since then, I always use the word sahara for some purposes like using it as a pen name whenever I join an essay writing contest. Another is that Sahara is one of my favorite deserts for it is the widest desert in the whole world.
For the second word of my blog, I have chosen "Silence". Silence means absence of sound or refusal to make a sound. I have chosen this because I thought for the silence of Sahara dessert. For me, I consider its silence as an appreciative feature of it.
I linked the silence of Sahara dessert to my personality as a student. For some people, especially for my classmates, I am a type of a quiet person. But, even if I'm a quiet person, I'm not a loner and timid one. My silence depends on the circumstance. When there's a need for silence, I become quiet unlike other people who continue in making nonsense noise. But, when there's no need for silence, I start to enjoy. Even if I'm a quiet person, I always try to be sociable. I enjoy hanging out not only with my friends but also to some people who is not that close to me, making fun with them, and making the most out of every second with them.
            That's the reason why I came out of to the name SAhaRA's Silence. I combined the ideas of the two words and its ideas seem to be compatible to my personality. For me, this a good name because aside from its thoughts being well-suited to my personality, I can also find my name there that can help a blogger to have an idea that this blog belongs to Sarah.




Wednesday, February 16, 2011

Si Percy Jackson at Ang Lightning Bolt

Si Percy Jackson at ang Lightning Bolt
           

Ang pelikulang  ito'y tungkol sa isang makapangyarihang lightning bolt na pag-aari ni Zeus, Diyos ng lahat ng mga Diyos, na pinaniniwalaang ninakaw ni Percy Jackson, anak ni Poseidon na Diyos ng Karagatan.Si Hades ay  Diyos ng Mundong Ilalim na naghahangad na makuha ang lightning bolt dahil sa taglay nitong kapangyarihan. Sinabi niya na kung hindi maibabalik ni Percy ang lightning bolt sa loob ng labing apat na araw ay magdedeklara siya ng digmaan sa pagitan niya at ng kanyang kapatid na si Poseidon.

              Si Percy Jackson ay isang lalaking naninirahan sa New York City. Inakala niyang siya'y may dyslexia. Akala niya'y ito ang dahilan ng kakayahan niyang bumasa o umunawa ng mga salitang nasa wikang Griyego. Isang araw, habang siya'y mayroong klase sa pinapasukan niyang unibersidad, tinanong siya ng guro nilang si Bb. Dotts kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang sinabi ni William Shakespeare na nakasulat sa wikang Griyego. Nagawa niyang basahin iyon ngunit sinabi niya na hindi niya alam sa takot na mabunyag ang sakit niya. 
                 Isang araw, habang naglilibot sila sa isang museo, pumasok siya sa isang silid. Dito ay nakita niya si Bb. Dotts na naging isang halimaw. Inatake siya nito at sinabi sa kanya na dapat na niyang ibalik ang ligthning bolt. Buti na lamang at dumating sina Grover at G. Brunner. Si Grover ay tumatayong matalik na kaibigan at protektor ni Percy. Dahil dito sa pangyayaring ito, inutusan na ni G. Brunner si Grover na dalhin na si Percy sa kung saan matitiyak ang kaligtasan nito. Ibinigay niya kay Percy ang isang "pen" na magagamit niya bilang pangdepensa sa kalaban. Pero, bago sila umalis ay dinaanan muna nila ang ina ni Percy na si Sally sa bahay ng bago niyang asawa na si Gabe.
          Bago pa man sila makarating sa kanilang patutunguhan, may bumagsak na isang baka sa harap ng kanilang daraanan kaya tumaob ang kotseng sinasakyan nila. Nakita na lamang nila na napapalibutan na sila ng maraming baka na pasugod sa kanila. Dahil dito, hinubad ni Grover ang pantalon niya upang subukang ipagtanggol ang mag-ina. Ipinagtapat niya kay Percy na siya'y isang kalahating tao't kalahaying kambing. Ngunit isa sa mga baka ay naging isang minotaur. Kinuha nito si Sally at dinala sa Underworld. Walang ibang nagawa sina Percy kundi ang dumiretso sa Camp Half Blood, ang lugar na tinutukoy kanina ni G. Brunner na ligtas na lugar para kay Percy. Ang Camp Half Blood ay isang lugar para sa mga Demigod, ang mga nilalang na kalahating Diyos at kalahating tao. 
Si Annabeth kasama ang  Red Soldie
          Sa paglilibot ni Percy dito ay nakasama niya sina Grover at Chiron, isang centaur o nilalang na kalahating tao't kalahating kabayo. Si Chiron ay kilala bilang G. Brunner sa mundo ng mga ordinaryong tao. Sa paglilibot nila'y nakilala ni Percy ang maganda't magiting na mandirigmang si Annabeth, anak ng Diyos ng Karunungan na si Athena.
         Nagsimula na siyang mag-ensayo kasama ang mga 'blue soldiers' sa pamumuno ni Luke, anak ng mensahero ng mga Diyos na si Eurnice. Dahil sa pag-eensayong ito, nadiskubre niya ang taglay niyang kapangyarihan nang siya'y masugatan habang nakikipaglaban kay Annabeth na kabilang sa mga 'red soldiers'. Napapagaling pala ng tubig ang bawat sugat na matatamo niya kaya nagawa niyang talunin ang mga 'red soldiers'.
        Habang nakikipag-usap siya kay Annabeth sa gitna ng selebrasyon sa kampo, bigla na lamang lumitaw si Hades at hinahanap si Percy. Ipinakita nito ang si Sally at sinabing mamamatay daw ito kapag  hindi ibinalik ni Percy ang inaasam-asam niyang lightning bolt.
         Dahil dito, nagpasya si Luke na tulungan si Percy na bawiin ang ina nito mula kay Hades. Itinuro niya ang paraan para mabawi ang ina. Ibinigay niya ang mapa kay Percy na mapagtuturo kung saan nila matatagpuan  ang mga perlas na kailangan nila upang makapasok sa Underworld. Binigyan din niya si Percy ng isang sapatos na lumilipad na magagamit niya sa oras ng pangangailangan.
MEDUSA
              Kasama sina Grover at Annabeth, unang tinungo nina Percy ang Aunti Em’s Garden na matatagpuan sa kontinente ng Amerika. Ang Aunti Em’s  Garden pala ang lugar na pinamamalagian ni Medusa, ang babaeng ahas.Mapapansin na maraming batong estatwa  ng mga tao ditto dahil ang mga taong tumitingin sa mga mata ni Medusa ay nagiging isang bato. Kaya habang nakikipaglaban  sa kanya sina Percy ay nakapikit ang mga ito upang hind imaging isang bato.  Nagawa naman ni Percy na pugutin ang ulo nito at pagkatapos ay kinuha na nito ang unang perlas sa may kamay ni Medusa. Hindi nila maaaring iwan ang ulo nito sapagkat kahit patay na ito ay nagagawa pa rin niyang mambiktima ng maraming tao kaya dinala nila ito sa paglalakbay.
              Ang sunod na pinuntahan nila ay ang Parthenon. Nakita nila ang ikalawang perlas na nasa noon ng mataas na estatwa ni Athena na ina ni Annabeth. Sa pagkakataong ito’y nagamit na ni Percy ang lumilipad na sapatos na ibinigay ni Luke sa kanya. Nagawa naman niyang kuhanin ang perlas. Ngunit may dumating na sugo si Hades. Ang mga taong ipinadala nito’y naging mga ahas. Mahirap silang kalabanin dahil kapag pinutol mo ang ulo nito, lalo pa itong dumarami. Dahil sa pakikipaglabang ito ni Percy, tumalsik ang perlas na hawak niya. Buti na lamang at gumana ang kapangyarihan niya. Nagawa niyang palabasin ang tubig mula sa isang tubo. Kinuha niya ang perlas at dali-daling lumabas sa silid na iyon bago pa man siya abutan ng tubig. Paalis n asana silang tatlo ngunit may humarang na naman na kalaban. Hindi nila malaman ang gagawin nila kaya inilabas na lamang na Grover ang ulo ni Medusa na bigla na lamang dumilat ang mga mata kaya naging bato ang mga kalaban nila.
Tumungo na sila sa huling lugar kung saan matatagpuan ang huling perlas, sa Las Vegas, Nevada. Matatagpuan ang perlas sa isang hotel sa lugar na ito. Dumiretso sila sa isang kasino. Nakita nila ang perlas na ginagamit ng mga tao sa isang sugal sa kasino. Lumapit ang isang babaeng tauhan at paulit-ulit silang binibigyan ng isang pagkain na hugis bulaklak. Ang pagkain pa lang ito ang ginagamit nila bilang pang hipnotismo sa mga taong pumupunta dito. Nalibang nga ang tatlo at nakalimutan na ang misyon na dapat gampanan nila. Ngunit tila nagtataka si Percy sa kawirdohan ng mga taong nakakausap niya doon. Bigla na lamang niyng naalala na misyon nga pala sila sa pagpunta ditto. Dali-dali niyang hinanap ang dalawang kasama at sinabing kalian na nilang makuha ang huling perlas. Kinuha na niya ang huling perlas at umalis na sila doon gamit ang kotseng kinuha nila mula sa kasino.
Ayon sa mapa, nasa Hollywood ang lagusan patungo sa Underwold kaya nagpunta agad sila dito. Mayroon silang nakitang mga katagang nakasulat sa bandang ibaba ng letrang “H”. Nabasa ito ni Percy kaya bumukas ang isang bahagi ng lupa sa tabi nito. Pinasok nila ito. Sa pagpasok nila dito ay nakita nila si Hades na kasama ang asawa nitong si Stephanie. Sa pakikipaglaban niya kay Hades ay nalaglag ang kalasag niya at doon ay nakita nila ang lightning bolt. Kinuha ni Hades ang lightning bolt na humahalakhak sa tuwa. Ngunit trinaydor siya  ni Stephanie. Binawi nito ang lightning bolt at ibinalik muli kina Percy. Sinabi ni Stephanie na kalian lamang nilang tapakan ang  perlas para makalabas dito. Ngunit tatlo lamang ang perlas kaya tatlo lamang ang maaaring lumabas. Kailangang mayroong isang maiwan dahil apat sila. Nagpasya si Grover na siya na lamang ang magpapaiwan.
Hindi nila inaasahan na sa paglabas nila ay nag-aabang si Luke. Si Luke pala talaga ang tunay na lightning thief. Nagpanggap lang pala itong mabait noong una kay Percy para makuha ang tiwala nito. Naglaban silang dalawa. Ginamit ni Percy ang sapatos na lumilipad ngunit naghagis si Luke ng isang matalas na bagay para maputol ang pakpak nito. Buti na lamang at may nakita si Percy na tangke ng tubig at pinalabas niya ang tubig nito. Nabawi niya ang lightning bolt kay Luke at sabay alis na silang tatlo sa lugar na iyon.
Nagmamadali silang pumunta sa teritoryo ni Zeus dahil ilang oras na lamang at mauubos na ang ibinigay na palugit ni Hades. Ibinalik niya ang lightning bolt kay Zeus at hiniling na ibalik sa kanila si Grover na nasa Underworld.
Bumalik na sila sa Camp Half Blood ngunit nagpaiwan ang kanyang ina at sinabing sa lugar na iyon nabibilang si Percy. Tumuloy na siya sa kampo at doon ay nakita niya si Grover. Tila nagbalik muli sa umpisa ang mga pangyayari. Nakita niya si Annabeth na nag-eensayo. Nilapitan niya ito na tila nagpapaghiwatig na may matinding paghanga siya sa babae.
Dito na nagtatapos ang kwento ng pakikipagsapalaran ni Percy Jackson. Sana’y may natutunan tayong mabuting aral sa pelikulang ito. Tandaan natin na hindi dapat tayo agad nanghuhusga o nagbibintang ng isang tao lalo’t kung hindi tayo nakasisiguro na siya ang may sala. Tandaan din natin na dapat tayong maging matapang sa pagharap  ng bawat suliranin sa ating buhay. Sana’y gawin natingb isang mabuting ehemplo si Percy Jackson.

Tuesday, February 15, 2011

I am a Responsible Netizen


            Modern technologies today are widely used in the whole world. In these modern technologies, one of the famous is the computer. Even though, some populace believes that it has bad effects on us, especially to students, still, we gain benefit from it. That’s why we should learn on how to be a responsible user of it.
            One of the most used parts of the computer is the internet. Here, we can search everything we want, like finding out for the meaning of some terms, biography of some famous persons, lyrics of songs, etc. Not only the students but all internet users are benefited educationally. In this, large number of people can increase their knowledge.
            The internet also helps many people to be sociable through some net- working sites. Face book, twitter, friendster, etc are some net- working sites that help us to develop our personality and will to know ourselves more.
            Those are only some benefits we gain from the internet. We gain benefits so we should learn how to be responsible user of it. And as a student, it should start on me.
            I am a responsible netizen because I use the internet properly whenever I visit it. My only purpose whenever I visit it is to search for my assignments and projects. I don’t use the internet for watching some censored videos or viewing some censored photos that I know that will affect not only my mind but my whole personality. I don’t write any offensive or bad comments whenever I use some social net- working site because I know that once I use it, it will be open to all internet users. I also avoid writing offensive comments that will result to bad reputations of others.
            That’s only the way on how I became a responsible netizen because I don’t use it oftenly. But, even though I have left very little ways on how I became a responsible netizen, we should have discipline to our self. If others cannot, let us try to teach ourself on how to be a responsible internet user. It’s the way on how we will pay back the benefit we get from using it.

Monday, February 14, 2011


 Walang Imposible Pagdating sa Pag-ibig
Si Carla ay isang labing tatlong gulang na dalagita na naninirahan sa Gimba, Nueva Ecija. Siya ay nasa unang antas na ng sekundarya. Talagang nasa pagkabata pa siya pero mababakas mo sa mukha niya ang kagandahang taglay. Hindi siya gaanong matalino ‘di tulad ng kanyang ilang pinsan.  Ang ama niya na si Carlos ay  isang  sundalo at ang ina naman na si Marife ay isa lamang simpleng maybahay lamang.
Isang araw, sinabi sa kanila ng kanyang  ama na napadestino siya sa Lungsod ng San Pablo, lalawigan ng Laguna. Dahil dito, kinailangan nila na lumipat na naman muli ng tirahan.
“Huwag kayong mag-alala, may nakausap na akong maghahanap ng bahay para sa atin. Pagdating natin doon, ayos na ang lahat,” ang sabi ni Carlos.
“Ngunit Papa, paano na po ang pag-aaral ko?” ang tanong ni Carla na tila alalang-alala.
“Anak, pwede ka namang  mag-aral dun sa lilipatan natin,” ang tugon ng kanyang ama sabay ngiti sa anak.
Walang nagawa si Carla kung  hindi ang sumunod sa ama. Makaraan ang ilang araw, bumyahe na sila patungo sa San Pablo dala-dala ang mga importanteng gamit nila.
Sa pagdating nila sa San Pablo, napalipat sila sa Brgy. Concepcion. Masaya naman ang mga lumipas na araw nila doon.
Napili niyang pumasok sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ito ay dahil mayroon silang kapitbahay na pumapasok doon.
Dumating na ang petsang Hunyo  2, 2015, ang unang araw ng eskwela  nila para sa taong pampaaralan na 2015-2016. Sa pagkakataong ito’y nasa ikalawang antas na siya. Siya ay napabilang sa seksyon B. Puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil lahat ay bago sa kanyang paningin- ang paaralan, guro, at ang mga estudyante. Pero ilang araw lang ang lumipas ay nagkaroon agad siya ng mga kaibigan.
Hindi pa rin nagbago ang nakaugalian ni Carla. Kapag may bakanteng oras, naglalaro sila ng kanyang mga kaibigan sa malawak na ‘field’ ng paaralan. Hindi niya inaalintana ang itsura niya matapos ang mahabang oras ng paglalaro. Kahit gulo-gulo na ang buhok niya, hindi pa rin siya nagsusuklay. Kahit na medyo malangis na ang kanyang mukha, hindi pa rin siya nagpupulbos ‘di tulad ng iba  niyang kaklase. Tila ba pakiramdam niya’y isa pa rin siyang elementarya.
Nagiging mas mabuti pa ang takbo ng buhay nina Carla dito sa San Pablo habang tumatagal. Naging maayos din naman ang kanyang mga marka sa taong ito.
Dumating na ang taong  pampaaralan na 2016-2017. Siya ay isang ganap na mag-aaral ng ikatlong antas, seksyon ng A. Dito na nagsimula ang mga pagbabago kay Carla. Natuto na siyang mag-alaga sa kanyang sarili. Marunong na siyang manuklay ng kanyang buhok at magpulbos ng kanyang mukha.
Bilang parte ng pagdadalaga niya, nagsisimula na rin siyang humanga sa ilang lalaki dala na rin ng panunukso ng kanyang mga kaibigan. Pero, hindi pa rin nawawala sa sistema niya ang paglalaro sa ‘field’ kapag may bakante silang oras.
Isang hapon, naglalaro sila ng paltok bola ng mga kaibigan niya sa ‘field’. Sila ang taya kaya siya ang pumapaltok sa mga kalaban. Hindi naman niya sinasadyang tamaan ang isang lalaking dumadaan. Dahil ditto, humingi siya ng pasensya sa lalaki. Hiniyaan naman siya ng kanyang mga kaklase bilang tanda ng kanilang pangungutya.
Pagbalik  nila sa kanilang silid ay wala pa rin silang guro kaya nagkwentuhan muna sila.
“Ang gwapo pala niya,” ang palihim na bulong ni Carla.
“Sino?” ang sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan niya.
“Yung natamaan ko kanina nung bola. Dumaan siya sa harap ng room natin,” ang tugon niya.
“Uy, si Carla, dalaga na, umiirog na,” ang asar ng kaibigan niyang si Sally.
Mula noon,  kada dadaan ang lalaking iyon ay naghihiyawan sina Carla.
“Sino  naman yung hinihiyawan niyo?” ang tanong ng kakalase nilang si Danica.
“Ayun o, yung nakaupong lalaki sa may labas ng library,” ang sagot ni Sally habang itinuturo ang lalaki kay Danica.
“Ah.. ayun ba? Eh siya yung kaklase ni Francis eh,” ang sabi ni Danica.
Si Danica ay isa rin sa mga kaibigan nina Carla. Ang tinutukoy na Francis ay kasintahan niya. Si Francis ay nasa ikaapat na antas na, seksyon  E.
“Gusto niyo itanong ko kay Francis kung anung pangalan niya? Sandali lang ha, pupunta ako sa kanya.” Ang sabi ni Danica.
Makalipas ang ilang minuto, bumalik na siya at sinabi kay Carla na Christian ang pangalan ng crush niya na kaklase ni Francis.
Isang hapon, paglabas niya sa room, tinawag siya ni Francis.
“Carla, crush mo ba talaga si Christian?” ang tanong ni Francis.
“Medyo,” ang tugon ni Carla.
“Alam mo Carla, halos tatlong taon ko nang  kabarkada si Christian kaya kilalang-kilala ko na siya. Talagang gwapo at maputi na ‘yan simula ng makilala ko. Kaya nga lang, syempre, kadalasan ng mga gwapo, mahilig sa babae. Hindi ‘yan nawawalan ng girlfriend kasi nga maraming may crush sa kanya. Binatang-binata talaga kung kumilos ‘yan.”
“Ayos lang ‘yun Kuya Francis. Crush ko lang naman siya eh….”
Dumating na ang araw ng JS Prom nila. Lahat ng mga babaeng kaklase niya ay naggagandahan. Siyempre pati si Carla. Ibang iba ang itsura ni Carla. Napakaganda nito. Hindi mo aakalain na siya talaga ‘yun.
Nakita ng mga kaibigan nila na dumating din sa Prom si Christian. Kaya kinausap ni Danica si Francis na sabihin naman kay Christian na isayaw si Carla para maging masaya daw ang gabi niya. Nahalata naman ni Carla ang pinaplano ng mga kaklase niya pero ‘di muna siya nagsalita. Hindi na siya nakatiis kaya umimik na siya. Sinabi naman ng mga kaibigan niya na ayos lang daw iyon dahil minsan lang daw ito mangyayari.
Sama-sama silang nakaupong magkakaibigan nang biglang dumating si Francis kasama si Christian.  Kinakabahan na siya dahil sa kanya papalapit ang dalawa. Nagulat na lamang siya nang biglang iniabot ni Christian ang mga kamay nito sa kanya. Ito’y isang senyales na isasayaw siya nito.
Walang ibang nagawa si Carla kundi ang sumama dala na rin ng hiyawan ng kanyang mga kaibigan. Habang nagsasayaw sila ay kabang-kaba siya dahil hindi niya akalain na papayag ang isang katulad niyang gwapo na isayaw ang babaeng tulad niya na pangkaraniwan lamang. Tinanong nito kung anung pangalan ni Carla at pagkatapos ay nagpakilala ito sa kanya.  Kinuha  din ni Christian ang cellphone number niya. Sobrang saya ni Carla ng gabing iyon dahil tila natupad ang isa niyang pangarap.
Lumipas  ang araw. Nabigla na lamang siya nang mag-text sa kanya si Christian. Dumalas na ang pagte-text nito kay Carla na may kasama pang malalambing na salita. Kilig na kilig naman itong si Carla.
Isang hapon, muli na naman silang  naglaro ng paltok-bola sa ‘field’. Malayo ang narating ng bola kaya hinabol ito ni Carla. Ngunit may isang lalaki na sumimot nito. Si Christian pala. Napatitig na lamang lahat ng kaibigan niya ng bigyan nito ng bulaklak si Carla.
“Isa lang ang ibig sabihin niyan. Gusto rin ng gwapong si Christian si Carla. Aaaaaaahhh!!!” ang hiyaw nina Danica at Sally.
Araw-araw ay pinupuntahan ni Christian si Carla sa room nito. Tila ba nanliligaw ito kay Carla. Isang hapon, habang nag-hihintay si Christian kay Carla ay nilapitan ito ni Sally at Danica at kinausap.
“Christian, talaga bang gusto mo si Carla? Baka naman pinaaasa mo lang siya ha kasi alam mong crush ka niya?” ang mausisang tanong ng dalawa.
“Oo. Hindi ko nga rin inaasahan na isang babae lang palang sobrang simple na tulad ni Carla ang makapagpapatino sa akin. Nakakamangha ‘no. Ipinapangako ko  sa inyo na hindi ko sasaktan si Carla dahil espesyal siya para sa akin at mahal ko siya,” ang tugon ni Christian na nasa mababang boses.
Sa hinaba-haba ng panahon ng panliligaw niya kay Carla, sa wakas at sinagot na niya si Christian dahil nararamdaman daw naman ni Carla na seryoso ito sa kanya.
Kahit na isang kolehiyo na si Christian ay pinupuntahan pa rin nito si Carla sa Dizon High.
“Hay naku. Parang hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari. Nang dahil lamang sa paglalaro natin ng paltok-bola sa oval ay nakilala at nagging parte ng buhay ko si Christian. Hindi ko rin inaasahan na  sa dinami-rami ng may gusto sa kanya, sa akin pa siya nagkagusto,isang babae na hindi naman kagandahan at simple. Hindi ako makapaniwala na isang campus crush ang kasintahan ko ngayon,” ang sabi ni Carla kay Sally  na may ngiti sa labi.
“Ngayon ko napatunayan na walang imposible sa pag-ibig.”




Ang Aking Dalawang Kapatid



             Gaano nga ba kasarap magkaroon ng isang mapagmahal, mapagbigay, at maaalahaning kapatid? Ito ang tanong na  tumatak sa aking isipan mula noong ako’y maging isang 1st year  high school student hanggang sa kasalukuyan.
Ako ay isang simpleng tao na mayroong dalawang lalaking kapatid, bunso, at nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid. Bilang isang bunso at nag-iisang babae, dapat nararamdaman ko ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga kapatid ko, lalung lalo na ng panganay kong kuya. Ngunit kabaligtaran yata ang nangyayari sa akin ngayon. Biniyayaan nga ako ng isang gwapo at habuling kuya, ngunit hindi ko naman maramdaman na pinahahalagahan niya ako bilang isang kapatid. Buti na lamang at mayroon pa akong isang kuya na nagmamahal at nagpapahalaga sa akin gaya ng pagmamahal na natatanggap ko mula sa aking mga magulang. Siya ay responsable at kumikilos na para bang siya ang panganay kong kapatid. Kaya ganon na lamang ang pagmamahal ko sa kanya bilang isang kapatid.
          Tila yata sinambot na ng kapatid kong panganay ang napakaraming hindi kagandahang ugali. Madalas kaming nag-aaway. Hindi ko naman masisi ang sarili ko bakit ako sumasagot sa kanya dahil na uubusan na rin ako ng pasensya kung minsan. Siya ay labing walong taong gulang na ngunit hindi siya kumikilos ng tama sa edad niya. Sa halip na ako ang pagpasensyahan, ako pa ang nagpapasensya sa kanya. Minsan nga ay umaabot sa puntong sinasaktan niya ako. Nagwawala siya sa bahay naming kapag nagagalit siya. Marami ng gamit sa bahay namin ang nasira dahil sa kanya. Kaya hindi ko masisi ang Papa ko na magkaroon ng konting hinanakit sa kanya. Pero kahit ganon ang ugali niya, minamahal pa rin naming siya lalung-lalo na ang Mama ko na sobrang maaalahanin. Kahit na lagi siyang sinasagot ni Kuya, hindi siya nagtatanim ng galit. Magagalit siya pero maya-maya lang, wala na ang galiy na iyon. Naiinis nga ako kasi hindi niya binibigyang halaga ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Mama.
          Kabaligtaran naman ng ugali niya ang isa kong Kuya. Siya ay responsable, mabait, at mapagmahal. Hindi siya gumagawa ng mga bagay na sa tingin niya ay ikasasama ng loob na mga magulang naming. Nag-aaway nga kami pero napakadalang. Nagagalit siya sa akin pero hindi niya ako nagagawang saktan hindi tulad ng ginagawa sa akin ng Kuya kong panganay.
        Masigasig din siya sa pag-aaral. Punung-puno siya ng pangarap sa buhay upang makayulong daw siya sa akin at sa aming mga magulang balang-araw. Hindi tulad ng Kuya kong panganay na tila walang pangarap sa buhay.
       Minsan nga’y naitaanong ko sa sarili ko, kailan kaya magbabago ang Kuya kong panganay? Kailan kaya niya matutunang pahalagahan at  mahalin ako at ang aking mga magulang? Idadasal ko na lang sa ating mga Panginoong Diyos na sana’y tulungan Niyang magbago ang Kuya kong panganay at sana’y manatili ang kabaitan ng isa kong Kuya dahil parehas ko silang minamahal.
       Ito ang paglalarawan ko sa aking mga kapatid. Sana’y mag-iwan ito ng magandang aral sa inyong lahat. Sana’y matutunan nating mahalin ang ating kapatid ng lubos. Kung nagaglit siya sayo, huwag ka ring magagalit. Sa halip ay lalu mo pa siyang mahalin para maramdaman niya na kahit hindi kagansahan ang ugali niya ay mayroon pa ring mga taong nagpapahalaga  at nagmamahal sa kanya. Dapat nating tandaan na kahit anong mangyari, hindi natin mababago ang katotohanan na kapatid natin siya.



Sunday, February 13, 2011


Ang Tunay na Sukatan ng Kaligayahan ng Isang Tao 

           "Ano nga ba ang tunay na nagbibigay ng kaligayahan sa isang tao? Ito ba ay ang pag-ibig, kapayapaan, at pagkakaisa? O ito ba ay ang pera at karangyaan na nagdadala ng tunay na kaligayahan sa isang tao?”

Hindi natin maiwawaksi ang katotohanan na isa ang mga Pilipino sa pinakamasasayang tao sa buong mundo. Ito ay sa kadahilanang kahit humaharap tayo sa napakarami at napakabibigat na problema, nagagawa pa rin nating maging masaya sapagkat iniisip natin na lahat ng suliranin, magaan man o mabigat ay may solusyon. Kung tayo’y magpapadala sa depresyong dala ng mga problemang ito, maaaring maapektuhan ang ating kalusugan. Kaya, upang maiwasan ito, huwag nating isantabi ang pagiging masayahin.
Para sa ating mga Pilipino, maraming sukatan kung paano magiging masaya ang isang tao. May ilang tao ang sumasaya ng dahil sa pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa. Gaya na lamang ng nangyaring  EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION noong Pebrero  25, 1986. Hindi natamo ng mga mamamayan ang kasiyahan  dahil sa mapaniil na pamumuno ng dating Pangulo na si Ferdinand E. Marcos. Dahil dito, nabuo ang damdaming makabayan ng mga Pilipino na nagbunsod sa kanilang pagkakaisa upang paalisin ang pamumuno ng rehimeng Marcos sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi paggamit ng dahas. At, sa kanilang pagtatagumpay, nakamit nila ang tunay na kaligayahang matagal na nilang inaasam-asam.
Ngunit, mayroon rin mga taong  naniniwala na pera o karangyaan ang tunay na nagbibigay ng kaligayahan sa buhay nila. Kadalasan, mga mayaman, maimpluwensya, at makakapangyarihan ang naniniwala dito. Walang ibang nakapagpapasaya sa kanila kundi ang magkaroon ng mataas na posisyon sa buhay at patuloy na malasap ang karangyaan . At kapag dumating na ang panahon na tila nawawala na ang karangyaang ito, mapapansin mo na tila may galit sila sa mundo at nagagawa na nilang gumawa ng mga bagay na labag sa batas ng tao at sa batas ng Diyos.
Ngunit, wala ng hihigit pa sa pagiging masaya ng dahil sa pag-ibig, pag-ibig na bukal at galing sa puso ng bawat isa sa atin. Gaya ng pag-ibig natin hindi lamang sa sarili natin kundi sa ating kapwa. Nagiging masaya tayo kapag may naitutulong tayong mabuti para sa ating kapwa. Nagiging masaya tayo kapag namamayani hindi ang galit sa ating puso kundi ang pag-ibig na wagas at walang pinipili, kapag alam nating walang nagagalit sa atin, at kapag alam nating wala tayong inaapakan at inaalispustang tao.
Marami pang sukatan ang ilang tao sa pagiging masaya. Ngunit, kahit ano pa man ito, para sa akin, wala ng hihigit pa sa pag-ibig na namamayani sa katauhan ng isang tao.