Showing posts with label Article. Show all posts
Showing posts with label Article. Show all posts

Thursday, February 17, 2011

My Blog’s Name History



Sahara Desert
SAhaRA's Silence, this is the name I have chosen for my blog. The reason why I have chosen this name maybe a common reason to some people, for they knew what my personality is. I have chosen this name base on my characteristics, personality, and attitude seen by others for the past time of my life up to the present time.
           
 I have written SAhaRA for the first word of my blog's name. I got this from my first name Sarah. Sahara was the first word came out of my mind when I was thinking. In fact, sahara was one of my favorite word since I was a sixth grader because whenever I hear that word, it seems to be that I hear my name. Since then, I always use the word sahara for some purposes like using it as a pen name whenever I join an essay writing contest. Another is that Sahara is one of my favorite deserts for it is the widest desert in the whole world.
For the second word of my blog, I have chosen "Silence". Silence means absence of sound or refusal to make a sound. I have chosen this because I thought for the silence of Sahara dessert. For me, I consider its silence as an appreciative feature of it.
I linked the silence of Sahara dessert to my personality as a student. For some people, especially for my classmates, I am a type of a quiet person. But, even if I'm a quiet person, I'm not a loner and timid one. My silence depends on the circumstance. When there's a need for silence, I become quiet unlike other people who continue in making nonsense noise. But, when there's no need for silence, I start to enjoy. Even if I'm a quiet person, I always try to be sociable. I enjoy hanging out not only with my friends but also to some people who is not that close to me, making fun with them, and making the most out of every second with them.
            That's the reason why I came out of to the name SAhaRA's Silence. I combined the ideas of the two words and its ideas seem to be compatible to my personality. For me, this a good name because aside from its thoughts being well-suited to my personality, I can also find my name there that can help a blogger to have an idea that this blog belongs to Sarah.




Monday, February 14, 2011

Ang Aking Dalawang Kapatid



             Gaano nga ba kasarap magkaroon ng isang mapagmahal, mapagbigay, at maaalahaning kapatid? Ito ang tanong na  tumatak sa aking isipan mula noong ako’y maging isang 1st year  high school student hanggang sa kasalukuyan.
Ako ay isang simpleng tao na mayroong dalawang lalaking kapatid, bunso, at nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid. Bilang isang bunso at nag-iisang babae, dapat nararamdaman ko ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga kapatid ko, lalung lalo na ng panganay kong kuya. Ngunit kabaligtaran yata ang nangyayari sa akin ngayon. Biniyayaan nga ako ng isang gwapo at habuling kuya, ngunit hindi ko naman maramdaman na pinahahalagahan niya ako bilang isang kapatid. Buti na lamang at mayroon pa akong isang kuya na nagmamahal at nagpapahalaga sa akin gaya ng pagmamahal na natatanggap ko mula sa aking mga magulang. Siya ay responsable at kumikilos na para bang siya ang panganay kong kapatid. Kaya ganon na lamang ang pagmamahal ko sa kanya bilang isang kapatid.
          Tila yata sinambot na ng kapatid kong panganay ang napakaraming hindi kagandahang ugali. Madalas kaming nag-aaway. Hindi ko naman masisi ang sarili ko bakit ako sumasagot sa kanya dahil na uubusan na rin ako ng pasensya kung minsan. Siya ay labing walong taong gulang na ngunit hindi siya kumikilos ng tama sa edad niya. Sa halip na ako ang pagpasensyahan, ako pa ang nagpapasensya sa kanya. Minsan nga ay umaabot sa puntong sinasaktan niya ako. Nagwawala siya sa bahay naming kapag nagagalit siya. Marami ng gamit sa bahay namin ang nasira dahil sa kanya. Kaya hindi ko masisi ang Papa ko na magkaroon ng konting hinanakit sa kanya. Pero kahit ganon ang ugali niya, minamahal pa rin naming siya lalung-lalo na ang Mama ko na sobrang maaalahanin. Kahit na lagi siyang sinasagot ni Kuya, hindi siya nagtatanim ng galit. Magagalit siya pero maya-maya lang, wala na ang galiy na iyon. Naiinis nga ako kasi hindi niya binibigyang halaga ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Mama.
          Kabaligtaran naman ng ugali niya ang isa kong Kuya. Siya ay responsable, mabait, at mapagmahal. Hindi siya gumagawa ng mga bagay na sa tingin niya ay ikasasama ng loob na mga magulang naming. Nag-aaway nga kami pero napakadalang. Nagagalit siya sa akin pero hindi niya ako nagagawang saktan hindi tulad ng ginagawa sa akin ng Kuya kong panganay.
        Masigasig din siya sa pag-aaral. Punung-puno siya ng pangarap sa buhay upang makayulong daw siya sa akin at sa aming mga magulang balang-araw. Hindi tulad ng Kuya kong panganay na tila walang pangarap sa buhay.
       Minsan nga’y naitaanong ko sa sarili ko, kailan kaya magbabago ang Kuya kong panganay? Kailan kaya niya matutunang pahalagahan at  mahalin ako at ang aking mga magulang? Idadasal ko na lang sa ating mga Panginoong Diyos na sana’y tulungan Niyang magbago ang Kuya kong panganay at sana’y manatili ang kabaitan ng isa kong Kuya dahil parehas ko silang minamahal.
       Ito ang paglalarawan ko sa aking mga kapatid. Sana’y mag-iwan ito ng magandang aral sa inyong lahat. Sana’y matutunan nating mahalin ang ating kapatid ng lubos. Kung nagaglit siya sayo, huwag ka ring magagalit. Sa halip ay lalu mo pa siyang mahalin para maramdaman niya na kahit hindi kagansahan ang ugali niya ay mayroon pa ring mga taong nagpapahalaga  at nagmamahal sa kanya. Dapat nating tandaan na kahit anong mangyari, hindi natin mababago ang katotohanan na kapatid natin siya.



Sunday, February 13, 2011


Ang Tunay na Sukatan ng Kaligayahan ng Isang Tao 

           "Ano nga ba ang tunay na nagbibigay ng kaligayahan sa isang tao? Ito ba ay ang pag-ibig, kapayapaan, at pagkakaisa? O ito ba ay ang pera at karangyaan na nagdadala ng tunay na kaligayahan sa isang tao?”

Hindi natin maiwawaksi ang katotohanan na isa ang mga Pilipino sa pinakamasasayang tao sa buong mundo. Ito ay sa kadahilanang kahit humaharap tayo sa napakarami at napakabibigat na problema, nagagawa pa rin nating maging masaya sapagkat iniisip natin na lahat ng suliranin, magaan man o mabigat ay may solusyon. Kung tayo’y magpapadala sa depresyong dala ng mga problemang ito, maaaring maapektuhan ang ating kalusugan. Kaya, upang maiwasan ito, huwag nating isantabi ang pagiging masayahin.
Para sa ating mga Pilipino, maraming sukatan kung paano magiging masaya ang isang tao. May ilang tao ang sumasaya ng dahil sa pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaisa. Gaya na lamang ng nangyaring  EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION noong Pebrero  25, 1986. Hindi natamo ng mga mamamayan ang kasiyahan  dahil sa mapaniil na pamumuno ng dating Pangulo na si Ferdinand E. Marcos. Dahil dito, nabuo ang damdaming makabayan ng mga Pilipino na nagbunsod sa kanilang pagkakaisa upang paalisin ang pamumuno ng rehimeng Marcos sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi paggamit ng dahas. At, sa kanilang pagtatagumpay, nakamit nila ang tunay na kaligayahang matagal na nilang inaasam-asam.
Ngunit, mayroon rin mga taong  naniniwala na pera o karangyaan ang tunay na nagbibigay ng kaligayahan sa buhay nila. Kadalasan, mga mayaman, maimpluwensya, at makakapangyarihan ang naniniwala dito. Walang ibang nakapagpapasaya sa kanila kundi ang magkaroon ng mataas na posisyon sa buhay at patuloy na malasap ang karangyaan . At kapag dumating na ang panahon na tila nawawala na ang karangyaang ito, mapapansin mo na tila may galit sila sa mundo at nagagawa na nilang gumawa ng mga bagay na labag sa batas ng tao at sa batas ng Diyos.
Ngunit, wala ng hihigit pa sa pagiging masaya ng dahil sa pag-ibig, pag-ibig na bukal at galing sa puso ng bawat isa sa atin. Gaya ng pag-ibig natin hindi lamang sa sarili natin kundi sa ating kapwa. Nagiging masaya tayo kapag may naitutulong tayong mabuti para sa ating kapwa. Nagiging masaya tayo kapag namamayani hindi ang galit sa ating puso kundi ang pag-ibig na wagas at walang pinipili, kapag alam nating walang nagagalit sa atin, at kapag alam nating wala tayong inaapakan at inaalispustang tao.
Marami pang sukatan ang ilang tao sa pagiging masaya. Ngunit, kahit ano pa man ito, para sa akin, wala ng hihigit pa sa pag-ibig na namamayani sa katauhan ng isang tao.